Thursday, September 06, 2007

Ang gulo!

Lamko paulit ulit na ito...kung ako nga sawang sawa na sa pagsasalita ng ganito, anu pa kaya yung mga palaging nakakarinig...
Matagal na ren tyong magkakilala...matagal din naman tayo naging magkaibigan bago naging tayo...ibang iba ka talaga nung tropa palang tayo...sa totoo lang, nung nalaman ko na hiwalay na kayo ng misis mo (ito yung nagsinungaling ka na di na kayo magkasama sa iisang bahay!), malaki talaga ang pinagtaka ko..kasi nakita ko nun na sobrang bait ka...at pinagpala pa ng isang matipuno at maganda pangangatawan...at di lang yun, isa ka pang lisenshadong civil engineer! naisip ko "san ka fah???"...bukod sa mabait, may ichura ay mataas pa pinag aralan mo! naisip ko din na kung ako ang naging asawa mo cguro, kahit na mambabae ka pa cguro ay never akong papayag na maghiwalay tayo..na gagawin ko ang lahat para maging buo ang pamilya naten para sa ating anak...na sisikmurain ko nalang ang pambababae mo tutal nasayu na naman ang madaming katangian na maganda...
Di nagtagal ay may namuong magandang pagtitinginan saten...marahil ay dahil parati tyong magkasama nun...at kung aking maalala ay kagagaling ko lang sa isang relashon...yoko pa nga sana pumatol sayo kasi sariwa pa ang sakit sa katatapos ko lang na relashon..pero pursigido ka talaga at diko namalayan na na inlove naku sayu ng tuluyan...ang sasaya nung mga araw na yun! at eto na, isang araw bigla mong inamin saken na nagsasama pa kayong mag asawa pero wla na kayong pakialamanan...ganun??? ano ako? high school? at maniniwala akong wlang nangyayari sa inyong mag asawa habang magkasama kayo sa isang bahay at natutulog sa iisang kama katabi ang inyong unika iha...nagulat ako at shempre nasakatan! at kahit na sobra na kitang mahal nun at pinilit kong iwasan ka...pero lalo kang nagpursige...wla akong nagawa kungdi ang tanggapin kang muli...at pinag promise kita na "wag na wag mo akong sasaktan"...shempre nag pramis ka...
Dumaan ang panahon..masaya ang naging samahan naten--wlang away...nagsimula lang tayo magka problema nung pinalayas ka sa inyo at nagsama na tayo sa iisang bahay...pera ang lagi naten pinagtatalunan kasi gs2 mong tipirin ang pera mo para makasama mo ang anak mo tuwing weekend...kahit sa bahay ay di kita inobliga nung una kasi akala ko kaya kong buhayin ka pero kinapos nako..dun na nagsimula ang wlang katapusang away sa pera...gs2 mo kasi wag na magbigay saken kasi namamashal kayo ng anak mo kada weekend...ok lang naman yun..anak mo naman yun..problema di kaya ng sweldo ko at si Cay ayaw ng magpadala simula nung nalaman nya na nagsasama na tyu..dapat daw magtulungan tayo...
Alam ko masasakit mga sinabi ko sayo noon...At hanggang ngayon ay pinagdudusahan ko pa yun kasi hanggang ngayon ay sinasampal mo yun sa mukha ko! kung maibabalik ko lang ang panahon, di na sana kita tinanggap sa bahay ko...di nalang sana tayu nagsama sa iisang bahay para naiwasan naten lahat ng naging away naten nun...oh well, andito na eh..panindigan nalang...
Sa totoo lang, dami mong ugaling diko nakita nung di pa tyu nagsasama...laging gulat ko talaga! hnde ko alam kung saken ka lang ganito or pati sa misis mo at ibang ex...ngayon ko na-realize kung bakit kayu naghiwalay..ako kasi sa sandaling panahon ng pagsasama naten ay sumuko nako sa ugali mo...nabilib pa nga ako sa misis mo at nakatagal sha sayo..yun ay marahil dahil kasal kayo, legal na mag asawa ta may anak...pinagdasal ko sa Dyos na makatakas sana ako sa kasalanan nagawa ko...na wag sana akong maparusahan sa pakikiapid...kung ako lang naman ang nasunod ay ayoko na sana talaga...dito pumapasok ang kasabihan "God moves in mysterious ways"..diko kasi alam kung bakit Nya hinahayaan ang makasalanan na pagsasama naten, bakit di Nya dinggin ang dasal ko na makaahon na sa kasalanan...
Sa ngayon ay namumuhay tyo ng malayo sa isa't isa...ito na marahil ang sagot ng Dyos sa matagal ko ng dasal...lamu, sobra kitang mahal eh! sobra kitang miss at gustong gusto na kitang kasama..ang problema lang ay nakakaramdam ako ng malaking takot kasi sa tuwing magkasama tyo, kahit magkausap lang sa Web Messenger ay hindi ko lam ikikilos ko...palagi nalang kitang tinatancha...lahat ng gawin ko ay may meaning sayo...pag sad ako sa dami ng stress ko dito ay inis ka at sinasabing wag ako sad at stressed kasi masama yun saken..pag happy naman ako ay nagbibiro ka na masaya at blooming ako at baka may iba akong lalaki dito...gusto kitang mas mahalin at pagpasenshahan pa kasi sa laki ng ginhawang nagagawa mo samen ng pamilya ako pero ang dating nun sayo ay kaya ako ganun ay dahil sa may pera ka na..pag naging cold naman ako ay iniisip mo na kahit na anung gawin mo ay basura paren ang tingin ko sayu...diko na talaga lam ang gagawin ko..gabi gabi nalang ako umiiyak...hnde ko talaga lam kung anung gs2 mo..kung bakit ang hirap naten magkasundo...kaya minsan naiisip ko, kahit na ayoko, mas maigi nga na magkalayo nalang tyo..kasi bukod sa kumikita ka ng malaking pera para sa mga luho mo at para sa anak, magulang at mga kapatid mo, ay iwas tayo sa mga away kahit na papanu...
I'm praying everyday to God to take me out of this sin...But while I'm still in it, I pray that God gives me the patient to ALWAYS be patient w/ you and to try to understand your character...

1 comments:

aLbErT&aNiKa said...

youre not the only one who feels this way....i have this feeling almost all the time with A...and the same with you, the dreaded question is : why are you like this to me?...what have i done to you?...youre the one who had/has many flaunting flaws & faults so its obvious that we dont deserve to be disrespected & ignored...these men are lucky that we are still here, surviving their treatments to us...of course, juz like them, we're not PERFECT but we certainly dont deserve to feel LOW & SHITTY...AS & FC probably are the best thing that happened to us..but dear sis, the way i see it, we're still with them because we can still handle it...but if we feel that we cant longer be with them, then thats the time we REALLY have to decide: should & could i still be with this man?....do i still love him?...then you D E C I D E....i am still where i am because i luv him....i still cant imagine how to live without him...to be physically away from him is the farthest thing i can handle but to think that he wont be part of our lives as my husband is the thing i cant bear to imagine (at least not yet)...we will pray for GUIDANCE from GOD...thats the only thing we can do....i know talking to F will probably be a waste of time and will juz lead to nowhere but more doubts, disagreements & arguments..so there's nothing to do but PRAY and still hope for the best....i know you still love him...otherwise you wont be this affected...there's a movie that says : if there's still LOVE then thats something to hang on to....